It was my first time to participate in Earth Hour. Di kami nanuod ng TV sa bahay for one hour kagabi. Nagkulong din kami sa kwarto for 1 hour para magshare sa nag-iisang ilaw na nakaswitch at sa aircon. Aba, mahirap yatang magpaypay for one hour noh. Hehe.
Masaya naman siya. Well, natuwa ako sa fact na somehow we're doing something for mother nature. Gusto ko pa nga, as in matagal ko na siyang naisip, na sana kahit two or three hours na bawal magkotse at bike, skateboards, and the like lang ang pwede sa kalsada. But I doubt that that will be possible kasi hindi naman lahat may bike and marunong magbike. Atsaka ang init dito sa Pinas. Hindi carry ng mga tao ang lumarga without cars.
Nga pala, I wonder kung may stars sa Manila last night. Well, stars are rare in the sky in Manila dahil sa pollution. Air pollution. And light pollution. Yes, light pollution, iyan ang sinabi ni Christopher Boone ng Curious Incident of the Dog in the Night-time. Ganun din daw sa France--di uso ang stars sa langit, dahil sa napakadaming ilaw. Kaya I am wondering kung during the hour na nagpatay ng ilaw ang karamihan sa Pinas, especially sa Manila, ay lumitaw ang mga bituin sa langit. Eh wala ako sa Manila kahapon. And if ever I were there, I couldn't see the sky clearly since isa lang bintana sa dorm and may buildings pa na nakaharang sa view. :)
Ulitin natin ang Earth Hour. By that time, I'll make sure may magandang view ako ng langit para makita ko how the stars will shine on me. Haha.
Jamie, belated happy birthday.
Sunday, March 29, 2009
Earth Hour 2009
Posted by Jean Dempsey at 4:57 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment