Tuesday, April 21, 2009

Naligaw ng Landas

Marketing assistant ako sa isang appliance distributor company. At kahapon ang unang araw ko sa trabaho.

Sinabi sa akin na pumasok ng mas maaga sa office hours para daw ma-orient ako. Hindi naman excited ang lola mo, pero 7:30 pa lang nasa office na ako. At 8:30 ang pasukan. Na-overestimate ko lang yata yung travel time kaya ganun.

Hindi ako na-orient ng alas otso gaya ng sabi ng HR. Noong umaga, naghintay ako hanggang sa pumasok ang mga tao sa office. Tapos nagkataon na meron silang parang bible study noong araw na iyon. So naki-bible chorva ako until 11am. Tapos I did a little more waiting hanggang sa maglunch time na. Sana nalaman ko na agad na pinapasok lang ako ng maaga para maghintay sa lunch. Naihanda ko sana ang sarili ko.

Pagkatapos ng lunch, siguro mga alas dos na ako na-orient. Pagkatapos, dinala na ako sa temporary table ko dahil hindi pa yata nababakante yung table sa department ko. Kaya napadpad ako sa R&D na nagkataong may bakanteng table. Ito yung bagong lungga ko na paghihintayan.

At around 5pm, mukhang hindi lang ako ang naaawa sa sarili ko. Kaya pinatawag ako ng sales head ng department namin. Sabi niya wala pa yung immediate boss ko dahil onleave pa siya at yung head ng department ko ay nasa isang provincial visit, kaya pwede akong jumoin sa sales team for the meantime para na rin maging familiar ako sa industry ng business.

Today naman, sumabit ako sa ahente ng company. We visited 5 Abenson branches. Observe observe. At commute commute. Nakakapagod. Buti nalang wala pang 3pm tapos na kami. Haha Dumeretso na kaming umuwi... Woops. Haha 6pm kasi yun dapat matapos. Di ko alam sa kasama ko kung bakit natapos kami ng maaga. Haha. But no one's complaining. :)

0 comments: