Thursday, October 8, 2009

Uber.

Prologue. (Ang sosyal noh? May ganitong chorva pa akong nalalaman.) Tagal na din pala since my previous entry. Evidently, it's been quite a while since the last time I felt this way. Ika nga ng ever supportive kong friend, resigning mode na naman ako. Haha. Ok rin palang may ganito akong entries. At least I could monitor kung kailan ako naghihimutok sa galit dahil sa work. And according to my blog, more than a month din naman akong naging medyo masaya sa buhay dahil Aug. pa noong huli akong masiraan ng bait.

Uber sa bad trip today. Uber ang pressure sa office. Uber ang bwisit sa suppliers. Uber din sa init noong mga time na walang kuryente dahil windang ang generator ng office. Kaya ayun, nagpagupit ang lola mo. Stress reliever lang, you know. And guess what, it was effective. Maganda naman kasi yung gupit. Hindi tulad noong gupit ko last April na uber disaster that I had to cut my hair myself after I had it cut in the salon. Haha. This time it's nice. I just hope na ganito pa din itsura niya bukas after I take a bath. At sana hindi siya maging uber effort sa maintenance. At least, with this new haircut, nabaling ang galit ko. I felt lighter. Not so brighter. Just lighter. And then sa isang fastfood chain kanina, may nakita akong guy na nakasuot ng isang cute na shirt. Sabi ng shirt sa front, "Pangit Noon." Sabi naman sa likod, "Maglaway ka ngayon." Natuwa ako. Hindi kasi predictable yung print sa likod. At in fairness, cute din naman yung nakasuot. Hindi lang katangkaran, pero at least napanindigan niya yung sinasabi ng t-shirt niya. Haha. Makasuot nga din ng ganung shirt.

1 comments:

pao said...

hahaha natuwa ako!:)) miss you pam! labas tayo next week!:P