Wednesday, December 17, 2008

Hiling ng Isang Graduating Student sa Papalapit na Pasko

Mi Ultimo Christmas Wish List!

I originally posted this wish list in my multiply account last Nov. 5. Of course, as what Edward said in Twilight, the future is not certain... some things just change.

This wish list is the edited one as of December 17, 2008.


***

Hindi ko ito ina-address sa pamilya ko. Hindi naman kasi namin ugaling magbigay ng regalo. Ang manghingi at tumanggap lamang ng regalo ang tradisyon sa amin. Kaya, ikaw na lang, mahal kong kaibigan, ang mapagbigay na Christmas Wishlist Online Contest, ang pag-asa ng isang estudyanteng malapit nang maging opisyal na palamunin at pabigat ng bansang ito.

Kung hindi ka early birdie tulad ko na tapos nang makapamili ng mga regalong ipamimigay ko, binibigyan kita ng pagkakataong mapadali ang buhay mo sa pag-shopping ng regalo para sa akin kahit marami na ang species sa mall.



Gusto ko lang naman ng:

1. DSLR, para walang sawa akong magpipicture ng sarili ko.
2. Watch from Fossil or DKNY, para alam ko kung gaano ako katagal maghihintay ng trabaho.
3. Eraser Heads 2008 Concert CD, mga pare ko, P305 lang ito! Oo, original ang gusto ko… Aba'y syempre, kung magdedemand ka na nga lang, sagad-sagarin mo na, hindi ba?
4. Planner na maganda.. Iyong hindi bulky at magandang sulatan para naman maorganize ko ang magulo kong sarili.
5. Rich Dad, Poor Dad book, para ma-inspire daw akong maging businesswoman at tuluyan na akong maging unemployed.
6. Curious Incident of a dog in the Night time book, nakakatawa daw ito, kaya kailangan ko ito para sumaya ang buhay-palamunin ko.
7. iPod Nano (3rd Generation, color black), para magmukha naman akong sosyal kahit walang pera.
8. Cellphone (Nokie E66), kasi kalahating dekada na sa akin ang phone ko ngayon, kailangan na niyang magretire. Sa katunayan nga'y limang araw na siyang ayaw pumindot. Naghihikahos na po siya, mga friends.
9. Purple sandals sa Artwork na mukhang matigas, yung "tsinelas" style, P399, para magkakalyo ang mga paa ko, kunwaring indication of hardwork!
10. 10K worth of GC from Belo, para makapag-lipo man lang ako kahit isang braso lang.
11. One year supply ng Clean and Clear oil control film na color yellow/pink, I have excessive oil glands.
12. Last, but not the least, since kagagaling ko lang ng thesis at napansin kong tabingi na iyong metal part na sinasaksak sa usb port ng flash disk ko, I obviosuly need a new one! So bago bumigay ang flash disk ko, I think I need a SUPER TALENT 200X 4GB USB Flash Drive. Water resistant siya... Cool. I am just so amazed.

I hope I made your lives easier.


I'll be waiting. ;)

1 comments:

ms. choy said...

hmpf akin un super talent usb eh.. hehehhehehehehe. tigisa nalang tayo :P
maggragradweyt ka na pala samantala ako estudyante padin. aba.....