Sabi ng friend ko, "If you want a cat, ask for a horse." (Ganito lang yan: Kung gusto mo ng good, you ask or aim for the best. Para at the end of the day at hindi mo man makuha yung best, at least meron kang better.)
Yan ang motto niya sa buhay. Syempre, nakuha niya lang yan sa isang magazine, hindi siya ang nag-imbento niyang quote.
Sabi niya, effective daw yan. Sabi ko, i-try ko din i-apply. At sabi nga nila, kung hindi ngayon, kailan pa? Kaya ia-apply ko yan sa panahong ito kung kailan naghahagilap ako ng kompanyang maloloko at kukunin ako.
Noong first week ng Feb... may job expo sa school kung saan naubos ang mahigit 20 copies ng resume ko. Pero sa rami ng inapplyan ko, hindi ko pa rin lubos na-apply ang napakagandang quote na itinuro sa akin ng friend ko. Naduwag kasi ang lola mo at hindi na nag-apply sa P&G, ang kompanyang sinasabi ng karamihan na may magandang future na matatamo.
As we all know, it's really a big company. At syempre, feeling ko naman wala akong K na makapasok sa kanila. At feeling ko na galon-galong dugo ang kakailanganin ko mula sa Red Cross para ma-survive ang exams and interviews ng nasabing kompanya. Gusto ko mang magpilosopo at sabihin, "It's ok. I don't want a cat, so I won't need a horse," alam kong hindi nakakatawa. :(
Ganito na lang kaya, gawin kong pegasus yung horse para pwede niya akong ilipad papuntang ibang bansa. =D
Aja to me!
Sunday, February 8, 2009
Pegasus
Posted by Jean Dempsey at 9:23 PM
Labels: job hunt, motto in life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment