Tuesday, February 17, 2009

Still poor


Okay, hindi pa ako millionaire. Siguro after a couple of draws pa ako magiging millionaire. Hahaha. The spirit, oha.

Anyway, kanina sa lotto-han, medyo mahaba naman ang pila pero hindi pa iyong to the highest level gaya nang ipinakita kanina sa news--which was in a lotto outlet in Kamuning. Syempre, hindi lang ang mga kompanya ang gumagamit ng financial crisis na dahilan para magtanggal ng tao. Ginagamit din ng mga taong nandoon sa lotto-han at baliw na baliw na pumipila na tulad ko ang global financial crisis bilang dahilan sa pagtaya sa lotto, kahit na sa totoong buhay, hindi naman talaga namin naintindihan ang nasabing krisis. Oh well, sino ba sa ordinaryong mamamayan ang mag-aabalang intindihin pa ang krisis kung pwede namang kareerin ang lotto?

Hindi ko kinakareer ang lotto kahit wala akong trabaho, mind you. Meron lang kasi akong nakitang mama kanina sa lotto-han. Career kung career. Meron siyang dalang kodigo na may eleven sets of number combination! Hindi pa nakontento ang lolo mo at talagang pinag-iisipan pa niyang mabuti ang pagtaya kahit nasa harap na niya ang kodigo. I don't how long it took him to finally leave the table and line up for the cashier, dahil pumila na ako't nagbayad, hindi pa rin siya tapos.

0 comments: