Minsan hindi mo alam na may jowa ka pa lang naghihintay ng text / tawag mo. Ganito na lang bigla ang text nila sayo:
from +639155272923:
"Hon d2 ka mag reply load mo ako 150pesos"
at ang sagot ko:
"Sori hon. Bakit naman kita loloadan ng 150?"
"Hon d2 ka mag reply load mo ako 150pesos"
at ang sagot ko:
"Sori hon. Bakit naman kita loloadan ng 150?"
Pag nakakarecieve ako ng mga ganayng kalokohan, nirereplyan ko talaga sila kahit hindi ako naka-unli or kahit paubos na ang load ko. Ang weird ko noh? Pero minsan kasi nakakaasar silang mga manggagancho. Buti nga't ang sweet pa ng pagkareply ko kagabi jan sa unknown jowa ko eh. Kasi usually ang sinasabi ko, "Tae ka. Load mo mukha mo."
Meron pa nga dati, halos magkasunod na araw yun, ang sabi sa akin sa text nanalo daw ako ng something. Eh normal cell number yung lumabas, hindi yung tipong three o four-digit cell number. Meron pa ngang nakalagay na name kung sino kokontakin at take note, lawyer pa daw siya kasi may "Atty." eh. I actually saved it for months in my phone. Pero ngayon wala na ata sa phone ko eh. May balak kasi akong ireport siya. Yun nga lang, wala akong masyadong will. Haha. Kaya naging wala-lang siya.
3 comments:
hhahaahaa :)
sweet naman ni jowaers:)) haha katuwa ka pam!
Uy shucks! Nagtetext rin yan sakin! Yung HON dito ka magreply.
I think raket yan. Para pasahan mo siya ng load:| Kung hon siguro ang tawagan nyo ng labidabs nyo diba hahaha.
Post a Comment