Monday, February 9, 2009

Short Time Lang

Galing lang ako sa interview ko sa Yellow Cab. Mabilis lang ang mga pangyayari--less than an hour lang. I went there and filled up the form they gave me. Tapos diretso na sa interview with Alex.

Amongst the interviews that I had, ito na siguro yung pinakagusto ko so far. Ang bait ni Alex. Although other interviewers were also as nice as her, iba ang dating noong si Alex ang kaharap ko. And although she said that my qualifications are more inclined to the position of Local Store Specialist than any marketing position and that the former is not yet vacant, itong interview pa rin ang best so far. Siguro kasi hindi ako pumiyok. Haha. Hindi naman nagconcert ang lola mo, pero ganun talaga aketch eh--naiiyak ang feeling sa nerbyos lalo't may kaharap na ibang tao. This time, napigilan ko! Hurray!

Gusto ko rin palang sabihing hindi ako nagsisisi at napunta ako sa account department nung nag-OJT ako kahit na naasar ako sa desludging assignment namin at kahit na nakakaasar din yung immediate boss namin. Kasi yung mga work routines namin yung pwede kong ipagmalaki sa interviews. And actually, nabibilib din mga interviewers kahit papaano. Nabibilib sila in a way na nakikitaan nila ako ng connection sa mga positions na inaapplyan ko... yung tipong naiisip nila na may silbi ako kahit papaano sa kompanya nila. Haha.

2 comments:

ms. choy said...

congrats. nauna ka pa sa akin iniwan mo ko tuloy magisa sa lasalle. good luck sa job hunt, kayang kaya mo yan, ikaw pa :) ninenerbyos ka? kala mo ba un mga nagiinterview sayo hindi? may kakilala akong hr sabi niya sa totoo lang ninenerbyos din siya minsan pag nagiinterview ng applicant. so ayan alam mo na un secret, aba pagnirbiyos ka imagine mo nalang nakahubad daw sila :P

Anonymous said...

Congrats Pam! I wish you all the best! Kayang kaya mo yan:) Pambato ng LC24! hehe..Labas tayo sooon!