Friday, June 12, 2009

I'm a free rider

Tila bumabawi ang independence day sa akin. Kasi may free ride sa MRT kanina dahil nga independence day. And what's nice is that I was able to avail it! Woohoo. Medyo nagmukha lang akong tanga kanina sa MRT. Kasi pilit kong sinusuksok yung card ko para makapasok, pero ayaw talagang kainin yung card ko. Habang nagmumukha akong tanga, 'yong ibang tao dire-diretso lang na pumapasok without cards. So ginaya ko na lang sila. Saka ko na lang narinig na may parang free ride nga daw. Haha. Tapos nung nasa platform na ako, waiting for the train, nag-announce over the speaker na tapos na nga daw ang free ride. Ayown, may free ride nga. At napakinabangan ko siya nang hindi ko nalalaman.

Ngayon naman, buti at nakakapanuod ako ng SNN. Bihira lang kasi ang ganitong pagkakataon na hindi pa ako inaantok at carry kong ma-late gumising kinabukasan. Shalamat sa'yo, holiday.

I Hate Holidays

Mainly because nabibitin lagi ang work! Consequently, I have to bring home the work, worry about work and use my own resources for work.

Wala ka na ngang social life, wala ka pang pay. Can somebody shoot me in the head?