‘Di maikakailang isang napakalaking kulto na ang nabuo. Nagkalat ang mga myembro nitong nakasuot ng kanilang all-white uniforms sa kahit saang sulok ng Pilipinas. Naitalang 386,531 na ang kanilang populasyon sa 460 na branches nationwide. Kada segundo nga’y mas lumalaki ito dahil sa mga taong patuloy na nagpapaloloko sa pagsali dito—ani mo’y sinasambit nila ang mga katagang, “Are you one of us?”
I’m not one of them. At masaya ako doon.
Advertising major ako ngayon sa De La Salle University. Sabi nga nila, we, kaming nasa advertising industry, don’t follow trends. We set the trends. Hindi ko naman inaasahang mapapadpad ako sa mundong ito, pero sa simula pa lamang ay hindi na talaga ako sumusunod sa pauso ng mga tao. Hindi rin ako sumusunod sa kung ano ang gusto ng mga magulang ko.
Dahil nga uso, gusto rin
Gabi na ‘yon noong tinawag niya ako para sa isang heart-to-heart talk. Hindi naman masyadong nagtagal ang madibdibang usapan kahit pa ‘sang katutak ang introduction ni tatay. Hinayaan ko na lang siya. Moment niya ‘yon.
Ganadong-ganado siya sa pagkwento ng mga istorya ng tagumpay ng mga nars—kesyo makakapunta ka pa ng ibang bansa at hindi na niya kailangan pang gumastos ng pamasahe namin sa mga tour sa ibang bansa at ang kikitain ng isang taon dito sa Pilipinas ay buwan lang ang katapat doon.
Natapos na ang moment niya nung sinagot ko ang nag-iisang tanong na ‘Deal or No Deal.’ Hindi ko na kinailangang mag-isip ng isasagot. Hindi ako nawindang. Alam kong nag-iisa lang din ang sagot sa nag-iisang tanong na iyon. No deal na agad.
Marahil ay nakitaan niya ako ng potential ng pagiging nurse dahil ako ang nagpapaalala at nagpapakain sa kanya ng gamot. Pero tapos na ang career ko dito kahit hindi pa nauumpisahan. Sa katunayan, wala naman talaga akong balak umpisahan ito. Imahinasyon lang ni tatay iyon.
Sumimple na lang si tatay at tinanong niya ako sa kursong gusto ko. Sa totoo lang, wala pa akong masyadong ideya dahil 3rd year hisgh school pa lamang ako noon. Pero journalism ang sinabi ko sa kanya. Isang kasinungalingan. Ang labo.
Hindi ugali ni tatay ang pumilit ng tao sa hindi niya gusto. Hinayaan na lang din niya ako sa kung ano man ang kukunin kong kurso.
Jackpot nga daw ang nursing para sa marami. Isang sumpa naman ito para sa akin. Walang tigil ang pressure sa akin ng mga tao-tao sa paligid. Ang hirap hindi pansinin lalo na kung lalaitin ka pa sa kursong kinukuha mo. Oo, pikon na pikon ako sa kanila. Kumukulo ang dugo ko hanggang sa mga oras na ito.
Hindi nga masyadong kilala ang kursong advertising. Kahit ako, hindi ko alam na may ganoong kurso at kung ano ang ginagawa at gagawin ng advertising majors, pero I fell in love at first sight. ‘Yon pa rin ang napili ko nai-apply sa mga unibersidad.
Mahirap nga talaga ipaliwanag sa mga tao kung ano ang kursong advertising. Sabi nga ng isang creative director sa isang ad agency na nakapanayam namin kamakailan, hindi din alam ng mga magulang niya kung ano ba talaga ang trabaho niya. Mahigit sampung taon na siya sa industriya. Iniisip na lang nila na director ng pelikula o commercials ang anak nila na malayong-malayo naman talaga sa trabaho niya. Mahigit sampung taon nang director ng pelicula at commercials ang anak nila.
Hindi naman kasi kasikatan ang kursong napili at kasalukuyang kinukuha ko ngayon. Kaya siguro ganoon na lang ka-nega ang mga tao ‘pag narinig ang weirdo kong course.
Marami-rami na ring nagsabi sa akin na dapat nag-nursing na lang ako, dahil kung iyong mga doctor nga ay nag-aaral ulit para maging nars. Pati nga ‘yong tita kong licensed med-tech ay nag-aaral ngayon ng nursing. At sabi pa ng mga kapatid niya, sabayan ko na lang daw siya mag-aral ng nursing. Okey. Napakagandang ideya. Magiging classmate ko na si tita! Ang saya-saya noh?
Pati na rin noong tinanong ako ng kaibigan ng tita ko na isang na uto-utong dermatologist na nagbalik-eskwela at ngayo’y nagpapakagaga sa nursing kung ano ang course ko. Taas noo akong sumagot ng, “Advertising Management at European Studies.” Hindi umubra ang pagmamalaki ng lola mo. Sa akin na lang ipinamukha na wala naman daw akong mapapala sa advertising. Mangangapa-ngapa lang daw ako ng trabaho pagka-graduate ko. Hindi raw tulad noong anak ng kaibigan niya na gusto sanang mag-engineering pero mas piniling magpakagago din tulad niya at kumuha na lang ng nursing. Nars na nga daw siya ngayon sa States. At wala pang isang taon ay nakabilli na siya agad ng kotse niya.
Tahimik kong inabsorb ang masasakit na mga salitang kanyang sinambit. Akala mo kung sino siya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya, “PI, close ba tayo? Nursing mo mukha mo! Walang pakialamanan dito.”
Alam ko ang tungkol sa stiff competition sa job opportunities sa advertising industry, but my course is not limited in working for advertising agencies alone. My course can go beyond that, parang si Buzz lightyear. At saka, nandiyan lang naman ang call center eh. Haler?
Malaki ang sakop ng media. Pwede akong pumasok sa mga TV networks or production houses. Pwede rin naman akong maging photographer, web designer and the like. At hindi rin naman kami nalalayo sa business or corporate world, dahil marketing ang advertising. At ang advertising ay marketing.
Ilan taon na lang ay gra-graduate na ako. Masayang gra-graduate ang lola mo as an advertising major and, as what they say, mangangapa ng trabaho.
Hindi naman kontra to the highest level ang tatay ko. Hindi naman kasi siya tulad kong pinanganak na kontrabida. Pero pinayuhan niya ako minsan na dapat sigurado ako sa course ko at dapat may trabaho akong mahahanap after graduation. Style nga talaga ng tatay ko. Pero wala naman akong sama ng loob sa kanya. Concerned citizen lang siya tulad ko. Alam niya at alam ko kung gaano kahirap ang buhay dito sa Pilipinas. At bilang utang na loob din, gusto ko din namang makabawi sa lahat ng hirap niya sa pagpapaaral sa akin. ‘Di man ako nakasisiguro sa hinaharap, pero kakayanin kong tumayo sa sarili kong mga paa. ‘Di man sa unang taon, pero makakabili din ako ng kotse ko. ‘Di man ako tiyak na makakatsamba at makakapagtrabaho ako sa isang advertising agency, nangangarap pa rin akong makatanggap ng kanilang 17th-month pay. Wala namang masama kung mangarap eh. Sa katunayan, ngayon pa lang ay masaya na ako sa narating ko. Pero, syempre, ayaw ko sanang makontento na lang doon. Naniniwala akong there are some things that come in great deals. Hindi naman lahat kailangan isakripisyo ang kasiyahan para yumaman. Minsan pwede ka din namang maging masaya habang nagpapayaman.
Ang mga concerned citizen na rin ang nag-udyok sa akin na higitan pa ang pwede kong gawin. Ngayon pa lamang ay nadidiskubre ko na kung anu-ano pa ang pwede kong gawin. Nadiskubre kong pwede pala akong bumuo at pamunuan ang isang kulto—ang anti-nursing club. Are you one of us?
3 comments:
welcome to the world of blogging. astig :) ... dapat nagnursing ka nalang :P , hehehee.
PAM! ^^ i want to make comments but so tamad to read! ^^ so haba kasi! ^^ haha~ ^^
Maychen, u should be like Phaelun who read my post. hahaha
Bets, why would I do that? Hahaha I'm too good for that job. Joke lang!
Post a Comment