Sunday, January 27, 2008

Tortang Talong

Isa iyong linggo ng dapat sana’y malamig na Disyembre. Tortang talong ang ilulutong ulam para tanghalian.


Sinindihan ko ang kalan at saka ipinatong ang dalawang talong. First time kong magtorta ng talong. Hindi ko inakalang masakit pala siya sa ulo.


Nahirapan akong balatan ang talong. Kahit gaano kalakas mong sigawan ito ng “let go,” ayaw pa rin matanggal ang balat sa katawan nito. Sinabi na naman ng nanay ko na kulang sa luto ang talong. Dapat daw ay sunog na sunog ang balat nito para madaling matanggal. It takes time, ika nga nila. Parang buhay ng tao, ang letting go and moving on stages ay hindi dapat minamadali. Mahirap magkunwaring okey na at ready nang dumako sa panibagong yugto ng buhay. Mga bagay-bagay nga naman, kadalasa’y dapat naaayon sa oras, dapat may good timing. Gaya ng pagtorta ng talong, mahirap gawin lalo na’t pagkatapos mong magpakahirap magbalat ng talong ay malalaman mong wala ka naman palang itlog.

2 comments:

Anonymous said...

very realistic and straight to the point stressed. I like that style

Jean Dempsey said...

Thank you for your very constructive comment. I really appreciate it. :)