Showing posts with label christmas wish list. Show all posts
Showing posts with label christmas wish list. Show all posts

Wednesday, February 11, 2009

Wishlist Update

Dogs are faithful and they do not lie because they cannot talk.
-The Curious Incident of the Dog in the Night-Time, Mark Haddon.

~~~

Alam ko hindi na Christmas... Hahaha but it's never too late. Kaya kung may balak kang tuparin ang hiling ng isang tulad ko (*beautiful eyes*), go lang! Hindi kita pipigilan (*beautiful eyes ulit*). Heto ang mga hiniling ko nung pasko hindi ba? Ngayon, mejo kumonti na lang siya dahil sa mga may mabubuting puso at tumupad sa aking munting kahilingan.

Before

After:


1. DSLR
2. Wrist Watch
3. Eheads Concert CD (courtesy of Gale, salamat sa pagpapahiram)
4. Planner
5. Rich Dad, Poor Dad (hindi ko pa nahihiram from a friend hehe)
6. Curious Incident of the dog in the night time (courtesy of Gale also, salamat sa pagpapahiram)
7. iPod Nano, 3rd Gen
8. Cellphone (Nokia E66)
9. Purple Sandals from Artwork (baka maphase out na ito. Pero ok lang. haha pwed)e namang palitan ng iba eh
10. Clean & Clear oil control film (xmas gift from Cots. Salamat!)
11. Water-Resistant 4gb USB (actually, nasabi ko ito dahil sa online contest. Pero since amazing naman talaga siya, nagustuhan ko na rin)

Wednesday, December 17, 2008

Hiling ng Isang Graduating Student sa Papalapit na Pasko

Mi Ultimo Christmas Wish List!

I originally posted this wish list in my multiply account last Nov. 5. Of course, as what Edward said in Twilight, the future is not certain... some things just change.

This wish list is the edited one as of December 17, 2008.


***

Hindi ko ito ina-address sa pamilya ko. Hindi naman kasi namin ugaling magbigay ng regalo. Ang manghingi at tumanggap lamang ng regalo ang tradisyon sa amin. Kaya, ikaw na lang, mahal kong kaibigan, ang mapagbigay na Christmas Wishlist Online Contest, ang pag-asa ng isang estudyanteng malapit nang maging opisyal na palamunin at pabigat ng bansang ito.

Kung hindi ka early birdie tulad ko na tapos nang makapamili ng mga regalong ipamimigay ko, binibigyan kita ng pagkakataong mapadali ang buhay mo sa pag-shopping ng regalo para sa akin kahit marami na ang species sa mall.



Gusto ko lang naman ng:

1. DSLR, para walang sawa akong magpipicture ng sarili ko.
2. Watch from Fossil or DKNY, para alam ko kung gaano ako katagal maghihintay ng trabaho.
3. Eraser Heads 2008 Concert CD, mga pare ko, P305 lang ito! Oo, original ang gusto ko… Aba'y syempre, kung magdedemand ka na nga lang, sagad-sagarin mo na, hindi ba?
4. Planner na maganda.. Iyong hindi bulky at magandang sulatan para naman maorganize ko ang magulo kong sarili.
5. Rich Dad, Poor Dad book, para ma-inspire daw akong maging businesswoman at tuluyan na akong maging unemployed.
6. Curious Incident of a dog in the Night time book, nakakatawa daw ito, kaya kailangan ko ito para sumaya ang buhay-palamunin ko.
7. iPod Nano (3rd Generation, color black), para magmukha naman akong sosyal kahit walang pera.
8. Cellphone (Nokie E66), kasi kalahating dekada na sa akin ang phone ko ngayon, kailangan na niyang magretire. Sa katunayan nga'y limang araw na siyang ayaw pumindot. Naghihikahos na po siya, mga friends.
9. Purple sandals sa Artwork na mukhang matigas, yung "tsinelas" style, P399, para magkakalyo ang mga paa ko, kunwaring indication of hardwork!
10. 10K worth of GC from Belo, para makapag-lipo man lang ako kahit isang braso lang.
11. One year supply ng Clean and Clear oil control film na color yellow/pink, I have excessive oil glands.
12. Last, but not the least, since kagagaling ko lang ng thesis at napansin kong tabingi na iyong metal part na sinasaksak sa usb port ng flash disk ko, I obviosuly need a new one! So bago bumigay ang flash disk ko, I think I need a SUPER TALENT 200X 4GB USB Flash Drive. Water resistant siya... Cool. I am just so amazed.

I hope I made your lives easier.


I'll be waiting. ;)