Remember when I said na parang ayoko na magwork? I meant that. Pero ngayon, now that summer has started, parang kailangan ko nang magwork. Yes, the motivation is more like a chore. Majo napipilitan lang ako. Haha.
Summer na, mga tsong. Ang init! At dahil mainit, I think it's better for me to stay in Manila and have a work. Tingin ko lang kasi, sa Manila I have to wake up early and leave for work early habang hindi pa masyadong mataas ang araw at mainit. Tapos I will be staying whole day in the office at magpapalamig sa aircon. Tapos pag uwian na, most likely wala nang araw so hindi na mainit masyado. Hahaha. Pag dito kasi sa probinsya namin, hindi ko kailangang gumising ng maaga. I could not stay at home whole day din naman. Of course, I have to help out in our business. Hindi naman kasi pwedeng maging 100% bummer... mga 85% lang siguro. Haha. Going back to my explanation, lousy explanation, mga lunch time na ako lulmalabas ng bahay papunta store. Tanghaling tapat ba naman. Edi nasunog na talaga ang beauty ko. Tapos sa store namin, ang munting sari-sari store namin, ay hindi airconditioned. Malamang! So there, I'd spent the whole afternoon sweating and feeling icky. Parang ayoko ng ganun.
So Summer, thank you?
Friday, February 20, 2009
My Motivation
3 comments Posted by Jean Dempsey at 9:14 PM
Labels: job hunt, summer, unemployment
Monday, February 9, 2009
Short Time Lang
Galing lang ako sa interview ko sa Yellow Cab. Mabilis lang ang mga pangyayari--less than an hour lang. I went there and filled up the form they gave me. Tapos diretso na sa interview with Alex.
Amongst the interviews that I had, ito na siguro yung pinakagusto ko so far. Ang bait ni Alex. Although other interviewers were also as nice as her, iba ang dating noong si Alex ang kaharap ko. And although she said that my qualifications are more inclined to the position of Local Store Specialist than any marketing position and that the former is not yet vacant, itong interview pa rin ang best so far. Siguro kasi hindi ako pumiyok. Haha. Hindi naman nagconcert ang lola mo, pero ganun talaga aketch eh--naiiyak ang feeling sa nerbyos lalo't may kaharap na ibang tao. This time, napigilan ko! Hurray!
Gusto ko rin palang sabihing hindi ako nagsisisi at napunta ako sa account department nung nag-OJT ako kahit na naasar ako sa desludging assignment namin at kahit na nakakaasar din yung immediate boss namin. Kasi yung mga work routines namin yung pwede kong ipagmalaki sa interviews. And actually, nabibilib din mga interviewers kahit papaano. Nabibilib sila in a way na nakikitaan nila ako ng connection sa mga positions na inaapplyan ko... yung tipong naiisip nila na may silbi ako kahit papaano sa kompanya nila. Haha.
2 comments Posted by Jean Dempsey at 11:19 AM
Labels: job hunt, job interview
Sunday, February 8, 2009
Pegasus
Sabi ng friend ko, "If you want a cat, ask for a horse." (Ganito lang yan: Kung gusto mo ng good, you ask or aim for the best. Para at the end of the day at hindi mo man makuha yung best, at least meron kang better.)
Yan ang motto niya sa buhay. Syempre, nakuha niya lang yan sa isang magazine, hindi siya ang nag-imbento niyang quote.
Sabi niya, effective daw yan. Sabi ko, i-try ko din i-apply. At sabi nga nila, kung hindi ngayon, kailan pa? Kaya ia-apply ko yan sa panahong ito kung kailan naghahagilap ako ng kompanyang maloloko at kukunin ako.
Noong first week ng Feb... may job expo sa school kung saan naubos ang mahigit 20 copies ng resume ko. Pero sa rami ng inapplyan ko, hindi ko pa rin lubos na-apply ang napakagandang quote na itinuro sa akin ng friend ko. Naduwag kasi ang lola mo at hindi na nag-apply sa P&G, ang kompanyang sinasabi ng karamihan na may magandang future na matatamo.
As we all know, it's really a big company. At syempre, feeling ko naman wala akong K na makapasok sa kanila. At feeling ko na galon-galong dugo ang kakailanganin ko mula sa Red Cross para ma-survive ang exams and interviews ng nasabing kompanya. Gusto ko mang magpilosopo at sabihin, "It's ok. I don't want a cat, so I won't need a horse," alam kong hindi nakakatawa. :(
Ganito na lang kaya, gawin kong pegasus yung horse para pwede niya akong ilipad papuntang ibang bansa. =D
Aja to me!
0 comments Posted by Jean Dempsey at 9:23 PM
Labels: job hunt, motto in life