Showing posts with label lotto. Show all posts
Showing posts with label lotto. Show all posts

Friday, February 20, 2009

Lotto Tips

Nako, hindi pa rin ako nananalo sa lotto. Hahaha. Ayoko na sana tumaya kasi nasasayangan na ako sa pera ko. Atsaka namamahalan ako sa twenty pesos! Hahaha. Kung ten pesos pa rin siya, siguro mejo gaganahan pa ako ng konti. Pero mukhang tataya pa rin ako. Promise ko lang sa sarili ko na hindi na ako tataya after this month. Hehe.

Anyway, nag-try ako ng site na bibigyan ka ng numbers para pang-lotto. I got it from an ad here in my site. You can check the ads at the bottom or top or right side of my blog. In that site, you have to put in your name and birthday in order to generate numbers for lotto. I did bet last Thursday the numbers I got from that site. Only one number from my combination was drawn. Haha.

Maybe I just lacked prayers or other aspect of luck. Or maybe my stars were not aligned yesterday. Or whatever. Hahaha. Try the site!

Tuesday, February 17, 2009

Still poor


Okay, hindi pa ako millionaire. Siguro after a couple of draws pa ako magiging millionaire. Hahaha. The spirit, oha.

Anyway, kanina sa lotto-han, medyo mahaba naman ang pila pero hindi pa iyong to the highest level gaya nang ipinakita kanina sa news--which was in a lotto outlet in Kamuning. Syempre, hindi lang ang mga kompanya ang gumagamit ng financial crisis na dahilan para magtanggal ng tao. Ginagamit din ng mga taong nandoon sa lotto-han at baliw na baliw na pumipila na tulad ko ang global financial crisis bilang dahilan sa pagtaya sa lotto, kahit na sa totoong buhay, hindi naman talaga namin naintindihan ang nasabing krisis. Oh well, sino ba sa ordinaryong mamamayan ang mag-aabalang intindihin pa ang krisis kung pwede namang kareerin ang lotto?

Hindi ko kinakareer ang lotto kahit wala akong trabaho, mind you. Meron lang kasi akong nakitang mama kanina sa lotto-han. Career kung career. Meron siyang dalang kodigo na may eleven sets of number combination! Hindi pa nakontento ang lolo mo at talagang pinag-iisipan pa niyang mabuti ang pagtaya kahit nasa harap na niya ang kodigo. I don't how long it took him to finally leave the table and line up for the cashier, dahil pumila na ako't nagbayad, hindi pa rin siya tapos.

I'm the next millionaire

Isa pa ito sa mga raket ko. Hehe.

It's my third time to bet for the hundreds of million-peso jackpot of 6/49 lotto today. On the first time, I got three of my numbers which entitled me to a "balik-taya" or a free bet. Iyon ang second time. Ngayon naman, on my home, napadaan ako sa isang lotto outlet which reminded me that today's a Tuesday, which meant it's another 6/49 lotto day. Ginatungan din naman ako ng tatay at sabi niya ilabas ko daw yung claim stub na binigay sa akin ng DTI kanina at doon ko daw kunin ang mga numbers na itataya ko. Kaya ayon. Iyon ang third time.

Ayan, magdrdraw na. I'll say goodbye for now. Hinihintay na ako ng milyones ko. :)