Showing posts with label sideline. Show all posts
Showing posts with label sideline. Show all posts

Thursday, April 30, 2009

Back in Ciao.com

I was able to enter ciao's site once again! :) Click me for the technique that I used.

And if you're interested to join ciao, you can always help me out and join under me! Refer to my previous post on how to join ciao.com. :)

Wednesday, February 25, 2009

FGD-y Friday

Yes, there will be an FGD this Friday afternoon in Makati. It's just sad that I could not attend since I'm not in Manila until next week.

Who wants to try and earn? Just let me know. This is your chance!!!

Tuesday, February 17, 2009

Still poor


Okay, hindi pa ako millionaire. Siguro after a couple of draws pa ako magiging millionaire. Hahaha. The spirit, oha.

Anyway, kanina sa lotto-han, medyo mahaba naman ang pila pero hindi pa iyong to the highest level gaya nang ipinakita kanina sa news--which was in a lotto outlet in Kamuning. Syempre, hindi lang ang mga kompanya ang gumagamit ng financial crisis na dahilan para magtanggal ng tao. Ginagamit din ng mga taong nandoon sa lotto-han at baliw na baliw na pumipila na tulad ko ang global financial crisis bilang dahilan sa pagtaya sa lotto, kahit na sa totoong buhay, hindi naman talaga namin naintindihan ang nasabing krisis. Oh well, sino ba sa ordinaryong mamamayan ang mag-aabalang intindihin pa ang krisis kung pwede namang kareerin ang lotto?

Hindi ko kinakareer ang lotto kahit wala akong trabaho, mind you. Meron lang kasi akong nakitang mama kanina sa lotto-han. Career kung career. Meron siyang dalang kodigo na may eleven sets of number combination! Hindi pa nakontento ang lolo mo at talagang pinag-iisipan pa niyang mabuti ang pagtaya kahit nasa harap na niya ang kodigo. I don't how long it took him to finally leave the table and line up for the cashier, dahil pumila na ako't nagbayad, hindi pa rin siya tapos.

I'm the next millionaire

Isa pa ito sa mga raket ko. Hehe.

It's my third time to bet for the hundreds of million-peso jackpot of 6/49 lotto today. On the first time, I got three of my numbers which entitled me to a "balik-taya" or a free bet. Iyon ang second time. Ngayon naman, on my home, napadaan ako sa isang lotto outlet which reminded me that today's a Tuesday, which meant it's another 6/49 lotto day. Ginatungan din naman ako ng tatay at sabi niya ilabas ko daw yung claim stub na binigay sa akin ng DTI kanina at doon ko daw kunin ang mga numbers na itataya ko. Kaya ayon. Iyon ang third time.

Ayan, magdrdraw na. I'll say goodbye for now. Hinihintay na ako ng milyones ko. :)

Monday, February 16, 2009

Juan Tamad

Shet. Tinatamad na ako. Hahaha. Yup, tinatamad na akong magtrabaho. Parang gusto ko na lang mag-bum all my life. I think this waiting is too long kaya siguro ako naging ganito. I was very eager to work and embrace the corporate world, but then, it's been two months at wala pa rin akong trabaho. Ayun, nawili tuloy ako sa bum life.

Tinatamad na nga din akong magblospot minsan eh. Nag-open lang ako ngayon kasi baka may bagong pa-contest si pinoycontests.blogspot.com. Pero mukhang pati siya tinamad din maghagilap ng contest. Hahaha.

Anyway, may pinagkakaabalahan naman ako. Bagong raket. Secret ko muna ito. I'll spill it out 'pag guaranteed na siya.

Tuesday, February 10, 2009

Raket Alert!


What am I up to recently?

Ganito lang naman ang buhay ko... uma-attend ng FGD. Yes. Kagagaling ko lang sa isang Focus Group Discussion kung saan kumita ako ng P900-worth ng GCs ng Rustan's. First FGD ko ito sa labas ng school. Kaya nakakatuwa talaga. Hahaha.

Natutuwa pa rin ako until now. Since sa Ortigas area yung office ng pinag-FGD namin, napadaan na din kami--I was with a friend--sa Shang para gastusin yung GC. I only spent the P200 of the GC. At ang literal na fruits of my labor ay lanzones, ferrero, eaji chips and half kilo penne pasta. Ayoko kasi gastusin lahat. Hahaha. I'm thinking na kakareerin ko yang pag-attend sa mga FGD tapos iipunin ko yung GC until magamit ko siya sa isang matinong gamit... I mean, yung mahal na gamit talaga. Hahaha.

Gusto mo rin bang sumama? Hayaan mo, pag may FGD ulit, I'll post it here! Tapos you can leave your contact number na ibibigay ko doon sa agent at reyna ng mga FGDs. Since the comments you'll leave need to be moderated first, hindi ko na lang ipupublish yung comments niyo with your contact numbers para hindi dumami ang txtm8s niyo. Hahaha. Hayaan niyo, wala rin akong balak maging txtm8 ka. Hindi ako adik magtxt. So, I'm totally not interested, okay? Hahaha.

Share your blessings, ika nga nila.