Tuesday, February 10, 2009

Raket Alert!


What am I up to recently?

Ganito lang naman ang buhay ko... uma-attend ng FGD. Yes. Kagagaling ko lang sa isang Focus Group Discussion kung saan kumita ako ng P900-worth ng GCs ng Rustan's. First FGD ko ito sa labas ng school. Kaya nakakatuwa talaga. Hahaha.

Natutuwa pa rin ako until now. Since sa Ortigas area yung office ng pinag-FGD namin, napadaan na din kami--I was with a friend--sa Shang para gastusin yung GC. I only spent the P200 of the GC. At ang literal na fruits of my labor ay lanzones, ferrero, eaji chips and half kilo penne pasta. Ayoko kasi gastusin lahat. Hahaha. I'm thinking na kakareerin ko yang pag-attend sa mga FGD tapos iipunin ko yung GC until magamit ko siya sa isang matinong gamit... I mean, yung mahal na gamit talaga. Hahaha.

Gusto mo rin bang sumama? Hayaan mo, pag may FGD ulit, I'll post it here! Tapos you can leave your contact number na ibibigay ko doon sa agent at reyna ng mga FGDs. Since the comments you'll leave need to be moderated first, hindi ko na lang ipupublish yung comments niyo with your contact numbers para hindi dumami ang txtm8s niyo. Hahaha. Hayaan niyo, wala rin akong balak maging txtm8 ka. Hindi ako adik magtxt. So, I'm totally not interested, okay? Hahaha.

Share your blessings, ika nga nila.

1 comments:

ms. choy said...

astig naman. ako sama ako next time :P