Saturday, October 11, 2008

Hagulgol

Jologs kung jologs, pero naiyak talaga ako sa "One More Chance."

May laman yung kwento. Hindi siya super gasgas. Gasgas lang. Hahaha. Pero may something talaga. Umpisa pa lang ng movie, madrama na. Kung mababaw din ang luha mo, tapos magkatabi pa tayo manuod, sure nang maiiyak ka for the first thirty minutes, that's one-fourth of the movie. Hindi kasi siya yung dinaan lang sa fame ng cast or sa funny punchlines or sa kung ano mang gimik. But it was surely made to be more special to have John Lloyd Cruz as the lead actor. Ang galing niya talaga umaarte, madadala ka sa bawat eksena. Ganun din kasi yung feeling nung nanuod ako ng Close to You and A Very Special Love.

Haha.

0 comments: