I got this from a friend. Bumenta siya sa akin, ewan ko lang sa'yo. If you'll ask me kung which book galing itong mga ito, hindi ko rin alam. Before I read this from my friend's post, I've been receiving some of these quotes through SMS. So since then, nagtataka na din ako kung saang libro galing mga ito. Haha I've read three of his books--Abnkkbsnplk?!, Paboritong Libro ni Hudas (pero hindi ko natapos, hindi ko kasi siya nagustuhan) and Stainless Longganisa (my fave :> ). Pero hindi ko maalala kung nabasa ko itong mga love quotes niya sa tatlong yan.
More quotes from Bob Ong to come. Yung mga susunod, masasabing nabasa ko na siya sa mga books niya.
"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din."
"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."
"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"
"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
Monday, October 20, 2008
Love quotes from Bob Ong
Posted by Jean Dempsey at 10:02 AM
Labels: bob ong, love quotes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment